PCOO Sec. Andanar, nilinaw na wala silang online trolls para atakihin si VP Robredo

Nilinaw ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) na wala silang social media trolls para atakehin si Vice President Leni Robredo.

Ito ang pahayag ng PCOO matapos isisi ng kampo ni Robredo sa “disinformation wall” na nagresulta ng kaniyang mababang trust at approval ratings.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, walang kinalaman ang administrasyon sa mga social media account na kritikal sa Bise Presidente.


Aniya, ang mga naturang accounts ay ‘independent.’

“Although independent social media accounts remain critical of Vice-President Leni Robredo and her role in our collective fight against the virus, which may have truly contributed to the ‘disinformation wall’ she is encountering, we assure everyone that the Duterte administration has nothing to do with these critical social media voices,” sabi ni Andanar.

Iginiit ni Andanar na hindi kailanman gagamitin ng Duterte Administration ang ‘social media trolls’ para magkaroon ng dibisyon sa lipunan.

Tulad aniya ni Robredo, ang adminstrasyon din ay pinoproblema rin ang disinformation wall mula sa mga detractors nito.

Sinabi ni Andanar na nagawa ng PCOO na masira ang ‘wall’ matapos nilang paigtingin ang information dissemination at engagement efforts sa publiko.

Una nang sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez na ang trust at approval numbers ng Pangalawang Pangulo ay mababa dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya ng mga trolls at tagalaganap ng fake news.

Facebook Comments