Namahagi sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Joel Sy Egco ng relief packs sa mga nagtatrabaho sa Media.
Ayon kay Undersecretary Egco, ginawa nila ang pagbibigay ng tulong sa mga nagtatrabaho sa media dahil alam nila ang hirap na nararanasan ng mga mamamahayag.
Samantala, una rito ay namahagi din ang dalawa ng tulong sa mga miyembro ng media mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Press Club, CAMANAVA Press Corps, Department of the Interior and Local Government (DILG) Press Corps, Quezon City Press Club, Manila Police District (MPD) Press Corps at iba pang press organizations na nakabase sa Metro Manila.
Matatandaang sina Andanar at Egco ay dati nang naging journalists bago sumama sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2016.