PCOO, tumanggap ng donasyon para sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi City

Marawi City – Nagpasalamat si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang Japanese Company sa pagbibigay ng tulong sa mga residente ng Marawi City na matinding naapektohan ng bakbakan sa pagitan ng Gobyerno at ng teroristang Maute group.

Nagbigay kasi ng mga damit, sapatos at iba pang kagamitan ang K.K Korin Logistics sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City na idadaan sa Presidential Communications Operations Office o PCOO.

Sabi ni Andanar, talagang maaasahan ang Japan at tiniyak din nito na makararating sa mga biktima ang mga ipinadalang mga bagong damit at sapatos.


Nabatid na bukod sa Damit at Sapatos ay nagpadala din ang nasabing kumpanya ng mga pagkain at appliances kung saan kaya nitong magpadala ng aabot sa 40 container ng donasyon na idadaan sa PCOO.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments