PCOO, umaasang papabor sa mga biktima ang nakatakdang promulgasyon ng Maguindanao Massacre

Umaasa si Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na papabor sa mga biktima ang nakatakdang promulgation ng Maguindanao Massacre bukas na gaganapin sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Andanar na panatag ang kanyang loob na maging positibo ang resulta ng promulgasyon kung saan nakatutok din sila dito at nananalangin na makakamit ng mga biktima ang hustisya.

Ayon pa kay andanar, ano man ang kalalabasan ng resulta bukas ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang trabaho upang maproteksyunan ang mga media katuwang ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa pangunguna ni Under Secretary Joel Egco.


Umaasa rin ang kalihim na masolusyunan na rin ang mga insidente ng pagpatay sa mga miyembro ng mamamahayag na karamihan ay mga independent media.

Ito ay sa pamamagitan ng isinusulong nila sa Kongreso na Media Welfare Act na naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Kung sakaling maisabatas ang panukala, magkakaroon na ng Security of Tenure, social at insurance benefits gayundin ang tamang pasahod ng mga manggagawa sa media.

Facebook Comments