PCR Kick-off Ceremony ng PRO2, Matagumpay

14

Cauayan City, Isabela-Pinangunahan ni Regional Director Atty. Manuel Pontanal ng National Police Commission ang 25th Police Community Relation Month Kick-off Ceremony na may temang “Pinagtibay na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban Sa CoVid-19 Pandemya” sa Police Regional Office 2 (PRO2) Grandstand.

Sa naging mensahe ni Atty.Pontanal, kanyang inihayag ang pasasalamat sa hanay ng pulisya sa buong Lambak ng Cagayan na pinamumunuan ni PBGen. Angelito Casimiro para sa kanilang dedikasyon sa trabaho at sa kabila ng mahihigpit na pagpapatupad sa community quarantine kung saan sa mababang bilang ng mga nakukumpirmang kaso ng COVID-19.


Bukod dito, nagsagawa rin ng ilang aktibidad ang hanay ng pulisya gaya ng bloodletting, pamamahagi ng Personal Protective equipments sa mga PNP frontliners at pagsasagawa ng outreach programs.

Hinikayat din ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa pulisya para sa mas maayos na pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments