PCS Main Campus Vaccination Center sa Pateros, pansamantalang isasara ngayong araw

41

Inihayag ng Public Information Center ng lokal na pamahalaan ng Pateros na pansamantala munang isasara ang PCS Main Campus Center dahil sa kakulangan umano ng mga doktor at health workers.

Base sa abisong ipinalabas ng Pateros sa pamamagitan ng Facebook ipinabot nila sa lahat ng mga residente na wala munang vaccination ngayong araw sa nabanggit na center dahil may kakulangan umano ng mga doktor at health workers kaya’t antabayanan na lamang nila ang mga announcement na kanilang ihahayag sa social media.


Matatandaan na una nang sinabi ni Pateros Mayor Mike “Ike” Ponce III na naubos na umano ang ginamit nilang Pfizer sa pagbabakuna kaya ang ginagamit nalamang nila ay Sinovac na gawa ng China para sa mga senior citizen at comorbidities.

Hinikayat ng alkalde ang mga residente na magparehistro o kaya ay mag walk in umano upang mabakunahan na ang lahat na hindi nababakunahan para na rin sa kanilang kaligtasan laban sa COVID-19.

Facebook Comments