Dapat magtiwala sa karunungan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapahinto ng lahat ng gaming operations ng PCSO.
Ito ang iginiit ni PCSO board member Sandra Cam sa mga benepisyaryo ng programa.
Ayon kay Cam – tiniyak niya sa mga PCSO beneficiaries na handa ang Pangulo na tulungan sila sa kabila ng closure order.
Buo ang suporta ni Cam sa kautusan ng Pangulo at humiling pa ito dati sa kanya na manghimasok na sa ahensya dahil sa malawakang korapsyon.
Nilinaw din ng PCSO official na hindi ipinatigil ang gaming operations dahil minanipula ang lotto results.
Una nang sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na aapela sila sa Pangulo hinggil dito.
Facebook Comments