PCSO Board Member Sandra Cam, sumuko sa PNP-CIDG

68

Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) na sumuko na sa kanila si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam.

Ayon kay PNP-CIDG Director Pol. Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, ang pagsuko ni Cam ay kaugnay sa kinakaharap nitong kasong pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

Sinabi ni Ferro ang kanilang Regional Force Unit sa CALABARZON ang nagsilbi ng warrant kay Cam sa isang ospital sa Laguna kung saan siya naka-confine dahil sa hindi pa matukoy na karamdaman.


Sakaling maging mabuti na ang kalagayan ni Cam, sinabi ni Ferro na dadalhin ito sa Kampo Crame para isailalim sa kanilang kustodiya.

Kamakalawa, naglabas na ng warrant of arrest ang Manila RTC Branch 42 laban kay Cam, maging sa kasalukuyang Vice Mayor ng Batuan na si Nelson Cambaya at apat na iba pa.

Facebook Comments