PCSO Board Secretary, patay matapos pagbabarilin sa harap ng opisina nito sa Mandaluyong City

The dead woman's body. Focus on hand

Nakahandusay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang Board Secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Calbayog St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Agad namatay sa pinangyarihan ng krimen si Retired Gen. Wesley Barayuga, matapos ang apat na putok mula sa kalibre .45 na gamit ng mga suspek habang sugatan naman ang driver nitong si Jojo Gunao.

Ayon kay Mandaluyong City Police Chief Col. Hector Grijaldo, papalabas ng kanyang opisina si Barayuga ng ito’y pagbabarilin ng mga suspek.


Kagagaling lamang umano ni Barayuga sa board meeting ng PCSO ng ito ay tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Si Barayuga ay dating napaulat na kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing dawit sa kalakaran ng droga sa Iloilo.

Sa panayam naman kay PCSO Board Member Sandra Cam, sinabi nitong wala silang nalalaman na kaaway ng biktima at katunayan ito ay appointed pa nga ng dating PCSO General Manager Alexander Balutan.

Nagsasagawa na ngayon ng mas malalim na imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments