Aminado si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Garma na maliit lang ang kinita ng PCSO noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Dahil aniya sa limitado lang ang pwedeng lumabas ng bahay at karamihan sa mga operator ng PCSO ay mga senior citizen, kaya naman nanatili sarado ang ilang mga PCSO outlet sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Noong 2020, kumita ang PCSO ng mahigit P18.63 bilyon mula sa iba’t ibang gaming product ng ahensya.
Kaya naman bilang tugon sa kasalukuyang sitwasyon, plano ng PSCO na gumawa ng web-based upang tangkilin parin ang kanilang gaming products kahit na hindi na kailangan lumabas ng bahay.
Kahit aniya sa cellphone ay pwede nang makilahok sa kanilang mga gaming product.
Kaya lang aniya ay kailangan itong planuhing mabuti upang matiyak na hindi maisasantabi ang moral obligation ng ahensya.
Samantala, sinabi rin ni Garma na hindi naging hadlang ang kita nila noong 2020 upang makapagbigay ng tulong sa publiko, ospital, lokal na pamahalaan, lalong-lalo na sa pagtulong nito sa nasyonal na pamahalaan kaugnay sa anti-COVID-19 response.