PCSO gaming operations, magbabalik na!

55

Magbabalik na ulit lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming operations.

Ito ay matapos isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with Alert Level System ang Metro Manila.


Ayon sa PCSO, fully operational na ang kanilang outlets alinsunod sa Resolution No. 115 series of 2021 na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Ang PCSO gaming operations naman sa ibang lugar ay nakasunod pa rin sa quarantine ng Local Government Units (LGU) o localized lockdown guidelines.

Samantala, ang live broadcast naman ng lotto draw at digit games ay ipapalabas sa People’s Television Network (PTV-4) tuwing alas-9:00 ng gabi at mapapanood via livestream sa kanilang social media accounts.

Facebook Comments