PCSO, hindi dapat patawan ng buwis – Kamara

Hiniling ni Deputy Speaker Prospero Pichay na aralin ang operasyon ng PCSO at imumungkahing huwag nang patawan ng buwis.

Sa pagsisimula ng marathon budget hearing ng House Committee on Appropriations, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na nagbabayad sila ng 30% na buwis mula sa nalikom na pondo.

Ayon kay Garma, 22.18% o P2.81 Billion na kinita mula sa Small Town Lottery (STL) ay napunta sa pagbabayad ng buwis.


Samantala, sa charity fund naman ay P2.61 Billion o 20.64% ang buwis na ikinaltas ng gobyerno.

Pero giit ni Pichay, isang non-profit operation at charity-based ang PCSO kaya dapat ay hindi sila nagbabayad ng buwis at ang kita na nalilikom dito ay dapat napupunta direkta na sa mga charity programs.

Dahil dito, tiniyak ni Pichay na hindi maiiwasang makialam ang Kamara sa operasyon ng PCSO kaya maghahain sila ng resolusyon para bisitahin at i-rationalize ang operasyon ng PCSO.

Facebook Comments