PCSO Isabela, Nanindigan na Legal ang Operasyon nila sa Probinsya

Cauayan City, Isabela- Iginiit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Isabela na legal ang kanilang operasyon maging sa pagpapatupad ng Small Town Lottery (STL).

Ito ay makaraang ipatigil ang balik-operasyon ng STL sa ilang bayan at siyudad sa Isabela sa harap ng nararanasang pandemya at kawalan umano ng permit mula sa Provincial Government.

Ayon kay Yamashita Japinan, PCSO Branch Manager, October 1 ng magsimula ang pagbabalik operasyon ng PCSO sa probinsya subalit ikinagulat nila ang inilabas na desisyon ng korte pabor sa provincial government.


Agad kasing nag-isyu ng 72-hour TRO ang Br.17 ng korte na tatagal hanggang October 21 matapos maghain sa korte ng petisyon ang provincial government para sa certiorari at prohibition with urgent prayer for the issuance of writ of preliminary injunction.

Ayon naman kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, nakitaan ng paglabag ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang SAHARA Gaming and Amusement Corporation kaya’t hiniling sa korte na patigilin ang operasyon nito na siyang nangangasiwa sa operasyon ng STL sa probinsya.

Aniya, ilang reklamo rin ang nakarating sa sangguniang panlalawigan na hindi umano nagkakaroon ng tamang pagbabayad o insentibo na naibibigay sa empleyado nito.

Nabatid na matagal na panahon umanong hindi rin nakakapagbayad ng local tax ang SAHARA Gaming and Amusement Corporation sa provincial government na isa sa dahilan ang pansamantalang pagpapatigil dito.

Facebook Comments