PCSO kumita ng Php 44 billion noong nakaraang taon

Ipinamahagi ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) ang kinita nilang 44 bilyong piso noong taong 2019.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma ang mga nakinabang ay ang Girls Scout of the Philippines (GSP) na tumanggap ng mahigit 448 libong piso, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mahigit 526 libong piso, Commission on Higher Education of the Philippines (CHED) mahigit  19 milyong piso, Dangerous Drug Board 12 milyong piso, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 400 libong piso, Philippine Sports Commission (PSC) mahigit 429 libong piso, at National Bureau of Investigation (NBI) mahigit 15 milyong piso.

Bukod sa naturang mga ahensiya, nakatanggap din ang Masbate Provincial Hospital ng mahigit 24 milyong piso, Victoriano Luna Medical Center mahigit 24 milyong piso, at Laura Vicuna Foundation Inc. mahigit 2 milyong piso.


Sa kabila ng kanilang mababang kita ng PCSO ngayon taon natutuwa pa rin ang ahensiya dahil nakapagbigay sila ng tulong sa mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at Institusyon.

Nanawagan naman sila sa publiko na tangkilikin ang kanilang mga produkto para mas marami pang mabigyan ng tulong ang PCSO.

 

Facebook Comments