Maglalabas ng calamity fund ang Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) sa Pampanga na naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol noong lunes (April 22).
Ayon kay Sandra Cam PCSO Director, inatasan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na umalalay sa mga naging biktima kung saan agad nilang ibibigay ang tulong para agad itong magamit saka na lamang nila isusunod kakailanganing dokumento.
Inaaalam na din ng PCSO Board ang sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng lindol at pagbabatayan nila ang report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRMO) dahil dito ibabase kung magkano ang halaga ng tulong na ibibigay.
Bukod sa calamity fund, may medical assistance din na ibinibigay ang PCSO sa mga nasa ospital na biktima sa pamamagitan ng Individual Medical Assistance Program (IMAP).
Sasagutin din ng pcso ang artificial leg ng dalawang empleyado ng Chuzon Supermarket na kapwa naputulan ng binti.