PCSO, magsasagawa ng recruitment summit webinar

Magkakaroon ng recruitment summit webinar ang Philippine Charity Swepstakes Office (PCSO) sa buwan ng Abril para sa mga nais maging lotto agent.

Ang naturang webinar ay may temang “Kumita para sa Pamilya at sa Kawanggawa.”

Bukas ito para sa lahat ng nais maging lotto agent at sa mga gustong magtayo ng lotto outlet business.


Gaganapin ang unang batch sa April 5, 2022, alas-10 ng umaga sa pamamagitan ng Microsoft Teams.

Sa mga nais magparehistro, i-sumite lamang ang mga kailangang impormasyon sa form access link na https://forms.jotform.com/220670241757050

Para sa iba pang katanungan, tumawag lamang sa 02-86562403.

Facebook Comments