Mandaluyong City. Hindi alintana ang limitadong lugar kung saan maaring mag bukas at magbenta ng tiket, patuloy pa rin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pag tugon sa pangangailangang medikal sa mga may kailangan nito. Dahil muling isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila kasama ang mga karatig na lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na kilala rin bilang NCR+, pansamantalang nahinto ang pagbebenta ng mga tiket para sa Lotto, Keno, STL at Scratch It sa mga naturang lugar. Gayun pa man, mahigit Php34 Milyon ang naipon ng PCSO na ipinang tulong sa mga kababayan na nangailangan ng Hospital Confinement, Chemotherapy, Dialysis, Hemophilia and Post-operation Medicines.,
Mula Abril 19 hanggang 23, 2021 nag ambag ang PCSO ng Php34,493,845.25 sa mga dumulog sa ahensya. Mula sa kabuuang halaga, Ang halagang Php19,062,248.03 ay naibigay sa 2,200 na nangailangan ng pagpapaospital, Php4,138,049.16 naman ang ginugol para sa Chemotherapy ng 481 nating kababayan at Php10,768,129.81 ang ipinang Dialysis ng 2,347 na pasyente. Samantala, Php455,418.25 ang halagang inayuda para sa Post-operation na gamut ng 47 na pasyente at Php70,000.00 naman ang kinailangan ng 7 kababayan na sumaialim sa Hemophilia.
Muling nag-anyaya si PCSO Vice Chairperson and General Manager Royina M. Garma, “ipagpatuloy po natin ang pagtangkilik sa mga Larong may Puso dahil sa tuwing po kayo’y tumataya ng Lotto at ng mga palaro ng PCSO, sigurado po na ang inyong pera ay napupunta sa lahat ng programa ng gobyerno especially sa Universal Health Care.”