Umaabot sa P2.5-B ang nai-remit ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa Philippine Treasury o kaban ng yaman ng bansa.
Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni PCSO Gen. Manager Melquiades Robles, na ang kontribusyong ito ng kanilang tanggapan ay ilalaan para suportahan ang implementasyon ng universal health care.
Aniya ito ang unang pagkakataon na nag-remit ng ganitong halaga ang PCSO sa Philippine Treasury na mula sa kanilang charity.
Kaugnay nito, masaya naman ang Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth sa ibinigay na pondo ng PCSO.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ilalaan nila sa special benefit improvement ng mga benepisyaryo ng PhilHealth ang pondong ito at isa sa partikular na mabibigyan ng pondo ay dagdag na session ng mga dialysis patient.