Pinangunahan ni Royina Marzan Garma, General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang turnover ceremony ng karagdagan isang bilyong donasyon ng PCSO sa Department of Finance (DOF) matapos manghingi ang DOF ng additional fund sa PCSO.
Ginawa ang nasabing turnover ceremony sa PCSO Conservatory ground, Mandaluyong City, ngayong umaga.
Sa talumpati ni Grama, sinabi nito na nauna nang naibigay ang PCSO ng mahigit 2.2 bilyong pisong donasyon sa DOF noong April 7, 2021.
Dahil sa karagdagang isang bilyon pisong donasyon, nalagpasan ng PCSO ang required dividend remittances sa DOF na nakatakda ng batas.
Sa kabuuan, umabot na ng mahigt 3.2 bilyong piso ang na donate ng PCSO sa DOF.
Ayon kay Garma, ang nasabing donasyon ay tulong ng PCSO sa government finance national building project at health program.
Panawagan naman ni Garma sa publiko na patuloy na tangkilikin ang mga produkto ng PCSO na tinawag na palarong may puso upang mas marami pa ang matulongang mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng proyekto ng gobyerno, partikular na sa kalusugan.