Mandaluyong City. Mula Marso 1-31, 2021 ay namahagi ng umabot sa kabuuang halagang Php145,067,854.17 para sa iba’t-ibang pangangailangang medikal ng 21,599 na Pilipino sa buong bansa. Ito ay sa pamamagitan ng MEDICAL ACCESS PROGRAM (MAP) ng ahensya kung saan ang mga kwalipikadong Pilipino ay natutulungan sa kanilang pangangailangan para sa hospital confinement, dialysis, chemotherapy, post-transplant medicines at hemophilia.
Bagamat maraming ospital sa Maynila ang puno na naman ng pasyente dahil sa dami ng bagong kaso ng Covid-19 at dahil sa mas nakakahawang bagong uri nito, patuloy naman na nakapag bigay ayuda ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga nangailangan ng tulong medikal.
Base sa pangangailangang idinulog sa PCSO para sa buwan ng Marso, Php76,797,361.77 ang ipinang tustos ng PCSO sa 9,448 na pasyente na nagngailangan ng ayuda para sa hospital confinement. Php42,557,604.89 ang ginugol para sa dialysis ng 9,287 na pasyente. 2,603 na kabababayan natin ang lumapit sa ahensya upang humingi ng tulong sa kanilang gastusin sa chemotherapy na inayudahan ng PCSO ng halagang Php23,188,068. Umabot sa Php2,264,315.74 ang ipinamahagi para sa post-operation na gamot ng 237 na pasyente. Samantalang ang hemophilia na gamot na nagkakahalaga ng Php260,503.12 ay ipinaubaya sa 24 na pasyente.
Base naman sa rehiyon o departamento kung saan umayuda and PCSO sa pangangailangang medikal, ang Northern and Central Luzon (NCL) Department ay nakapag-bigay ng Php35 369,495.00 sa 5,271 na indibidwal. Ang Southern Tagalog and Bicol Region (STBR) nagtala ng Php30,962,498.96 bilang tulong sa 5,584 na pasyente. Ang Visayas Department ng ahensya ay nagbigay ng Php25,122,767 na tulong para sa 3,853 indibidwal. Ang Mindanao Department ay umasiste sa pangangailangan ng 3,389 na pasyente na umabotng Php 22,211,465.63. Samantala ang National Capital Region (NCR) Department ang nagtustos sa gastusin ng 3,502 indibidwal na umabot sa halagang Php31,401,626.86.
Ayon kay PCSO Vice Chairperson and General Manager Royina M. Garma, “The PCSO shall continue to provide medical assistance for every Filipino in need to lighten the load and in healing our less fortunate kababayans. We are thankful to the Office of the President and to the IATF for allowing the continuous conduct of Lotto draws in our main office in Mandaluyong for the Lotto patrons in Visayas and Mindanao and to those outside of the NCR+ bubble which is now under ECQ. We are hand in hand with the national government’s efforts in eradicating the virus and its effects on health and the economy that’s why we urge the players to continue playing PCSO’s “Larong may Puso” keepingin mind the strict health and safety protocols implemented by PCSO, dahil malaki po ang naitutulong ninyo sa ating mga kababayan, pwede pang makamit ang pangarap na manalo ng Jackpot at iba pang pa premyo.”