PCSO, NAGLAAN NG MAHIGIT P49-M PARA SA PANGANGAILANGANG MEDIKAL NG 6,308 PASYENTE

Naglaan ang  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mahigit P49 milyon para sa 6,308 pasyente sa buong Pilipinas na humigi ng tulong pinasyal sa ahensya sa pamamagitan ng kanilang Medical Access Program (MAP).

Ang halagang ito ay laan lamang ng ahensya para sa ikatlong linggo ng Hunyo. Sumatotal, ang PCSO ay naglabas ng P49,399,920.59.

Batay sa datos ng PCSO, ang Northern and Central Luzon Region ay nakatanggap ng pinakamataas na halaga na may P13, 418,762.00 na nakatulong sa 1,610 pasyente, sunod dito ang  Southern Tagalog at Bicol Region nakakuha ng P10,608,768.20 para sa 1,536 pasyente.


Samantala, ang Visayas Region naman ay nabigyan ng P9,229,373.23 para sa 1,228 pasyente.

Ang National Capital Region (NCR) naman ay nakakuha ng P8,449,417.76 para sa 913 pasyente habang ang Mindanao Region naman ay nabigyan ng P7,693,599.40 para sa 1,021 pasyente.

Ang mga nabanggit na pinansyal na tulong ng PCSO sa mga pasyente sa pamamagitan ng MAP ay napunta sa mga sumusunod—confinement na nagkakahalaga ng P29,191,325.11 kung saan bilang ng mga pasyenteng natulungan ay 2,795; hemodialysis ng 2,888 pasyente ay gumastos ang ahensya ng P14,681,332.92; chemotherapy ng 578 pasyente na nagkakahalaga ng at P5,066,453.08; post-kidney transplant medicines ay umabot sa  P392,609.48 na nakatulong sa  40 pasyente; at hemophilia kung saan P68,200.00 ang ginastos para sa pitong pasyente.

Malugod na inaanyayahan ng PCSO ang publiko na tangkilikin ang mga “larong may puso” ng ahensya. Ayon nga kay PCSO General Manager Royina Marzan-Garma, ang mga laro ng PCSO tulad ng Lotto, STL at Sweepstakes ay mga larong may puso dahil maramig kapos-palaad ang natutulungan ng ahensya, lalo na sa kanilang pangangailangan medical.

“Nakatulong ka na sa iyong kapwa, may tiyansa ka pang maging milyonaryo. Tunay na ang mga laro ng PCSO ay mga larong may puso para sa ating mga mahihirap na kababayan,” saad ni Garma.

“Nawa ay patuloy pa po ninyong suportahan ang aming mga larong may puso upang mas marami pa ang matulungan ng PCSO katulad ng ginagawa namin sa aming Medical Access Program,” dagdag pa niya.

Facebook Comments