Manila, Philippines – Umabot sa halos P64 billion ang pondong nakalap ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2018 kung saan 20 porsyento itong mas mataas kumpara sa kanilang total generated revenue noong 2017 na umabot sa halos P53 billion.
Sa datos ng PCSO lahat ng kanilang lotto/number games maliban sa keno ay tumaas ang kita.
Nanguna ang lotto at digit games sa may pinakamalaking revenue na nakapagtala ng halos P32 billion na sinundan naman ng small town lottery o STL na nakakalap ng P26 billion at instant sweepstakes na P1.1 billion na revenue noong isang taon.
Kaugnay nang magandang kita ng PCSO parami naman ng parami ang kanilang mga benepisyaryo.
Nakapagtala ng 27% increase ang mga natulungang pasyente ng PCSO mula sa medical assistance program, hospitalization at pagbibigay ng medical expenses.
Noong isang taon din lumagda ng kasunduan ang PCSO sa pagitan ng DOH, DSWD, PhilHealth na layuning makakuha ang mga nasa laylayan ng lipunan ng medical assistance sa pamamagitan ng Malasakit Center.