PCSO, nakatakdang iturn-over ang 40 na patient transport vehicle sa tatlong lokal na pamahalaan

Nakatakdang i-turn over ngayon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 40 na patient transport vehicle o PTV sa tatlong lokal na pamahalaan.

Partikular na mabibigyan ng mga nasabing sasakyan ay ang lokal na pamahalaan ng tuguegarao; sapian, capiz at amai manabilang, Lanao del Sur.

Pangungunahan ni PCSO chairman anselmo simeon pinili at vice chairperson at General Manager Royina Garma ang ceremonial turnover rites ng mga PTV na gaganapin ngayon sa PCSO Satellite Office sa San Marcelino Street sa lungsod ng Maynila.


Ito ay para mapaghusay ng mga nabanggit na lokal na pamahalaan ang kanilang pagbibigay ng emergency health service sa publiko.

Ang patient transport vehicle ay naiiba sa mga ambulansiya bagamat magkatulad lang din ang itsura nito pero nabatid kasi na ang mga PTV ay hindi na kailangan pa na dumaan at kumuha ng lisensiya.

Facebook Comments