Aabot sa ₱250 million ang nawalang kita ng mga lottery outlets matapos ang apat na araw na pagpapasara ng gobyerno dahil umano sa katiwalian.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma – pinag-aaralan na nila at pinaiimbestigahan ang mga maaaring sangkot sa korapsiyon sa ahensya.
Giit ni Garma –kukumbinsihin niya ang Pangulo na ipabalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) dahil wala naman itong bahid na korapsiyon.
Matatandaang pinabalik ng Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lotto dahil wala umano itong bahid ng korapsiyon.
Pero hindi naman kasama sa muling binuksan ang peryahan ng bayan, STL at keno kaya patuloy ang suspensiyon ng mga ito.
Facebook Comments