Pinangunahan ni General Manager Royina Garma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang turnover ng mahigit ₱49 milyong halaga sa 13 lokal na pamahalaan ng Metro Manila at sa Commission on Higher Education (CHED) kahpon.
Ayon kay Garma, ang mahigit ₱32 milyong piso ay napunta sa 13 mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila bilang share ng PCSO mula sa kinita nito sa Small Town Lottery na nag-o-operate sa mga LGU.
Kabilang dito anIya ang Taguig City, Pateros, Makati City, San Juan City, Mandaluyong City, Manila City, Parañaque City, Muntinlupa City, Marikina City, Quezon City, Las Piñas City, Pasay at Pasig City.
Habang ang CHED naman ay nakatanggap ng mahigit ₱17 million bilang bahagi naman ng mandatory contribution ng PCSO mula sa kinita nito sa lotto.
Pahayag pa ni Garma na ang perang ibinahagi ng PSCO sa mga nasabing LGU at CHED ay maaari nilang gamitin sa kanilang mga proyekto tulad ng kalusugan at ibang proyekto na makakatulong upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang lugar at mamamayan.