PCSO, Namahagi ng Mahigit Limang Milyong Piso sa mga Cagayano

*Cauayan City, Isabela*-Nagkaloob ng mahigit Limang Milyong Piso na tulong pinansyal ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha nitong nakalipas na linggo sa Probinsiya ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PCSO, pinangunahan ito ni General Manager Royina Garma ng PCSO ang pag-turn over ng calamity assistance sa 21 bayan sa probinsiya na lubhang naapektuhan ng pagbaha.

Tinanggap ng Tuguegarao City ang halagang P1.5Million, tig-P500,000 naman ang bayan ng Amulung, Solana, Lal-lo, Enrile, Camalanuigan at Aparri habang tig-P100,000 naman ang bayan ng Rizal, Tuao, Lasam, Sto ñino, Sta Praxedes, Sanchez Mira, Pamplona, Iguig, Gattaran, Claveria, Ballesteros, Baggao, Alcala at Abulug.


Sa kabuuan ay umabot sa P5.9 milyon ang naipamahaging calamity assistance ng PCSO.
Bukod dito ay namigay din ng relief goods ang PCSO bilang pamaskong handog sa mga katutubong Agta na nasalanta rin ng pagbaha.

Samantala, umabot naman sa 500 agta na mula sa bayan ng Gonzaga, Allacapan at Peñablanca ang nabigyan ng tulong.
Photo Courtesy: PCSO Website

Facebook Comments