PCSO SCANDAL | Mga opisyal ng PCSO, DILG OIC Año at Atong Ang, papaharapin sa Senate hearing

Manila, Philippines – Sa January 17, itinakda ni Committee on Games and Amusement, Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang pagdinig sa mga kontrobersya sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Kabilang dito ang nabunyag na maluhong Christmas party na ginastusan ng 6-milyong piso.

Ayon kay Lacson, kabilang sa papaharapin sa pagdinig ay ang board members ng PCSO, kabilang si Sandra Cam na siyang nagbunyag sa isyu.


Imbitado din ang bagong Officer-In-Charge ng Department of Interior and Local Government na si dating AFP Chief Eduardo Año, mga police regional directors at ang negosyanteng si Atong Ang.

Base kasi sa akusasyon ni PCSO General Manager Alexander Balutan, nasa likod ni Cam ang negosyanteng si Ang na nagnanais umanong magkaroon ng kontrol sa STL.

Ayon kay Ping, kasama ding uungkatin sa pagdinig ang alegasyon na nagiging front ng ‘jueteng’ ang operasyon STL o Small Town Lottery kaya mababa ang kita mula dito.

May impormasyon si Lacson na milyung piso kada buwan ang offer sa mga police regional director huwag lang pakialaman ang operasyon ng illegal gambling tulad ng jueteng.

Sakop din ng pagdinig ang panukalang amyendahan ang charter ng PCSO.

Facebook Comments