PCSO, umamin sa Senado na edited ang inilabas na larawan ng lotto winners

Inamin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagdinig sa Senado na edited nga ang inilabas nilang mga larawan ng mga nananalo sa lotto nitong mga nakalipas na araw.

Sa pagdinig, sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na mismong ang mga winners ang may gusto na itago ang kanilang mga mukha at suot na damit kaya naman sinunod nila ito upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

Paglilinaw ni Robles, ginawa nila ito matapos na magreklamo ang isang lotto winner na nakilala siya sa post ng PCSO dahil sa kanyang suot na damit.


Sa kabilang banda, humingi naman ng paumanhin ang PCSO official sa kanilang ‘poorly editing skills’ kasabay ng pagtiyak na lehitimo o totoo ang mga nanalong tumaya sa lotto.

Samantala, iginiit ni Senator Raffy Tulfo ang pagsasagawa ng executive session kasama ang mga opisyal ng PCSO upang pag-usapan ang mga reklamo sa mga lotto winners.

Facebook Comments