Manila, Philippines – Personal na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang partner na si Honeylet Avanceña na abisuhan ang kanyang pinsan na si Commissioner Melissa Avanceña-Ardanas na kasama siya sa mga masisibak na commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Sabi ng Pangulo, hindi na rin dapat kulayan pa ang kanyang pagkakatalaga kay Ardanas dahil hindi ito maituturing na nepotism dahil hindi naman sila legal na mag-asawa ni Honeylet Avanceña.
Matatandaang sinibak ng Pangulo ang lahat ng commissioner ng PCUP sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Terry Ridon dahil sa junket o maluluhong pagbiyahe sa abroad at kabiguan na makamit na maging collegial body matapos mabatid na dalawang beses lang nagpatawag ng en banc session si Ridon.