Tinatayang higit isang milyong katao ang nakiisa sa isinagawang Bangsamoro General Assembly sa Old Capitol Ground, Brgy. Simuay Sultan Kudarat Maguindanao.
Nilahukan ito ng mga opisyales ng Moro Islamic Liberation Front , Moro National Liberation Front at ibang ibang Bangsamoro Organizations, mga opisyales ng ARMM , mga gobernador, kongresista at mga alkalde.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga religious leaders ng ibat ibang relihiyon , ang 81 mga diplomats mula sa ibat ibang bahagi ng mundo at naging pangunahing bisita si Presidente Rody Duterte.
Ang aktibidad ay bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga Bangsamoro at panawagan na rin kay Pangulong Duterte na ipasa na ang Bangsamoro Basic Law.
Malaki ang paniniwala ng mga Bangsamoro na tanging ang BBL lamang ang kasagutan sa mga hinaing ng mga ito sa Bangsamoro Homeland.
Kaugnay nito nangako si Pangulong Duterte na walang maiiwan sa paghananap ng tunay na Pagbabago at Kapayapaan sa Mindanao, iaatas aniya na magkakaroon ng special session sa kongreso para mapabilis na mapag-usapan ang isinusulong batas.
PD30 bisita sa Bangsamoro Assembly
Facebook Comments