PD30, handang pumunta ng Amerika sakaling imbitahan ni US President-elect Biden

Saka-sakaling imbitahan ni US President-elect Joe Biden si Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang Estados Unidos ay wala namang nakikitang dahilan dito ang Palasyo upang tanggihan ito ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nakadepende rin kung aanyayahan ni President Biden si Pangulong Duterte sa White House para sa isang state visit bago matapos ang termino ng Pangulo sa 2022.

Sa ngayon, nagpaabot na aniya ng pagbati ang Punong Ehekutibo kay President-elect Biden.


Sinabi pa ng kalihim na tiwala ang Palasyo na patuloy na magiging mabuti ang samahan ng dalawang bansa sa ilalim ng pamumuno ng dalawang lider.

Facebook Comments