PD30 itinuring na isang "Maarugang Ama sa panahon ng Pandemya" ayon kay Maguindanao Governor Bai Mariam

Sinaluduhan ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang mga pagsisikap ni Pangulong Rody Duterte upang mailagay sa ligtas ang maraming Pinoy kasabay ng krisis na kinakaharap na dulot ng Covid-19.
Bagaman hindi napaghandaan ang pandemya, mabilis aniyang nakagawa ng inisyatiba ang Administrasyong Duterte upang hindi mapabayaan ang maraming Pinoy. Kabilang na rito ang paglagda sa Bayanihan to Heal as One Act na naging malaking tulong hindi lamang para sa mga Frontliners lalo na sa mga maralitang Pilipino ayon pa kay Governor Bai Mariam.

Ipinakita lamang aniya ng Pangulong Duterte ang pagiging makalinga at maarugang Ama para sa kanyang mga anak sa panahon ng pagsasakripisyo na hatid ng Covid.

Bagaman may mga naitalang kaso ng Covid 19 sa bansa at hindi pa rin tapos ang laban kontra dito, maituturing aniyang Tagumpay ang Administrasyong Duterte laban sa Covid-19.


Ang pahayag ni Governor Bai Mariam ay matapos na ilahad ng Presidente ang kanyang ika-limang State of the Nation Address.

Kaugnay nito, magpapatuloy aniya ang pagsuporta ng Provincial Government ng Maguindanao para sa lahat ng mga Adbokasiya ng Presidente.

File Picture
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments