PDAF | DOJ, kokonsulta sa Sandiganbayan hinggil sa posibleng extradition kay Janet Napoles

Manila, Philippines – Kokonsulta ang Department of Justice (DOJ) sa Sandiganbayan tungkol sa posibleng extradition kay Janet Lim-Napoles hinggil sa kinahaharap nitong $20 million money laundering case sa Estados Unidos.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa ilalim ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at U.S., maaring ma-extradite si Napoles kapag natanggap na ng ating gobyerno ang request for extradition.

Pero may kaakibat itong sitwasyon, ang mga nakabinbing kaso laban kay Napoles sa Sandiganbayan ay maaring masuspinde.


Isa din aniya sa opsyon, nakasaad sa Philippine-U.S. Treaty na aarangkada lang ang extradition proceedings kung ang mga kaso ni Napoles sa Sandiganbayan ay naresolba na o napagsilbihan na ni Napoles ang kanyang sentensya.

Nabatid na nahaharap si Napoles sa several multi-million peso graft at plunder cases sa Sandiganbayan dahil sa pagkakadawit sa pork barrel scam.

Facebook Comments