PDAF | Hatol ng US Court kay Janet Napoles, magpapalakas sa kanyang kaso sa Pilipinas – DOJ Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Lalo pang lalakas ang kaso ng pamahalaan laban kay Janet Lim Napoles kaugnay sa PDAF o Pork Barrel Scam.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tila kapwa nakatulong sa prosekusyon sa Pilipinas at Amerika ang kasong isinampa nila laban sa negosyante.

Sa kabila nito, nilinaw ni Guevarra na magkaiba ang kaso dahil money laundering gamit ang pera ng bayan ang basehan ng hatol ng korte sa California, habang plunder at graft ang nakasampa sa sandiganbayan.


Tiniyak naman ni Guevarra na lalo silang makikipag-ugnayan sa US Department of Justice para matiyak na maibabalik sa National Treasury ang perang napunta sa PDAF scam.

Facebook Comments