Manila, Philippines – Ibasura ng Sandiganbayan 3rd division ang motion for bail ng dating chief of staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes kaugnay sa kasong plunder dahil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Giit ng korte, walang sapat na rason para makapagpiyansa si Reyes.
Binigyan bigat ng korte ang sinabi ng state witness na si Ruby Tuason na nagdeliber siya ng perang kickback kay Reyes simula noong 2006 hanggang 2009.
Dahil dito, mananatiling nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Reyes.
Matatandaang pinalaya na ng korte ang kanyang dating boss na si Enrile dahil sa humanitarian reason.
Facebook Comments