PDAO CAUAYAN, BUKAS SA MGA NANGANGAILANGAN NG TULONG PINANSYAL

Hinihikayat ni Ginoong Jonathan Galutera, Head ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Cauayan, ang mga PWD na may sakit na mag-avail ng Financial Assistance sa kanilang tanggapan.

Bahagi aniya ito ng kanilang programa na tulong para sa mga Cauayeñong PWD na may sakit.

Nilinaw nito na ang Financial Assistance Program (FAP) ng nasabing ahensya ay eksklusibo lamang para sa mga may kapansanan na nangangailangan ng tulong pinansyal o suporta para sa pagbili ng kani-kanilang mga gamot.

Dagdag pa ni Galutera, makatutulong rin ang programa lalo na sa mga taong may malubhang sakit at nangangailangan ng mahabang gamutan gaya ng Chemo Therapy o Neuro Development Assistance.

Naka dipende naman sa bill ng pasyente ang ibibigay na tulong ng tanggapan.

Mismong ang PDAO na rin ang mag-aayos sa parteng babayaran sa bill ng pasyente.

Paalala sa mga hihingi ng tulong pinansyal na kailangang ibigay ang mga hinihinging requirements tulad ng isang kopya ng Medical Certificate, (2) Barangay Certification of Indigency, at tatlong kopya ng PWD ID.

Binigyang diin ni Galutera na kinakailangang magkaroon muna ng PWD ID ang mga nagnanais na mag apply sa nasabing programa dahil ito na ang kinikilalang pagkakakilanlan sa mga PWD.

Facebook Comments