Davao, Philippines – Kinumpirma ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Davao Region na mayroong palit-ulo scheme sa kampanya kontra iligal drugs.
Ayon kay PDEA region 11 Director Adzhar Albani, ang palit-ulo scheme ay naayon naman sa Saligang Batas partikular sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act 2002.
Pero paliwanag ng director na ang palit-ulo scheme ay malaking kaibahan sa alegasyon ni Vice President Leni Robredo kung saan ang kamag-anak ang magiging kapalit kung wala ang suspek.
Sabi pa ng opisyal, ginagawa ang palit-ulo bilang kapalit sa pagbaba ng kaso sa drug suspect kung ituturo nito ang malalaking supplier ng droga.
Pumalag naman ang Davao City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency Davao Region sa maling impormasyon ni VP Robredo.