Magsasanib-pwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) para paigtingin ang mga operasyon laban sa mga money launderer.
Naniniwala ang PDEA at AMLC na ang mga money launderer ang pumopondo sa kalakalan ng ilegal na droga.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – sa ilalim ng kasunduang nilagdaan nila ni AMLC Executive Director Mel George Racela, papalakasin ang kooperasyon para sa epektibong pagpigil, pagkontrol, pagtukoy at pag-imbestiga sa mga ilegal na aktibidad sa ilalim ng Section 3 ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Aniya, ginagamit ang mga bangko at iba pang regulated entities bilang conduit para sa laundering drug money.
Itinatago ng mga drug lord ang kanilang profit para ipalabas na nakuha nila ito sa isang lehitimong paraan.
Tiniyak ng PDEA at AMLC na isasailalim sa track down ang kanilang drug money trail at pigilang magamit ang kanilang impluwensya para makatakas sa parusa.