PDEA at BJMP, lumagda na rin ng kasunduan laban sa illegal drug activities sa mga kulungan

Manila, Philippines – Matapos ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Bureau of Corrections, nakipagkasundo naman ngayon ang pamunuan ng PDEA sa BJMP para sa pagtutulungan sa tuluyang paglansag sa illegal drugs activities sa loob ng mga bilangguan sa buong bansa.

Ayon kina PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino at acting chief BJMP Jail Chief Supt. Deogracias C. Tapayan, ginawa nila ang hakbang upang matutukan at mahigpit na mabantayan ang loob ng mga piitan sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa.

Bilang pagpapatibay sa naturang kasunduan, kapwa nilagdaan nina Aquino at Tapayan ang Memorandum of Agreement na ginanap sa ground floor ng tanggapan ng PDEA main office sa Quezon City.


Nakapaloob sa MOA, ang kanilang mga gagawing hakbang kabilang dito ang surpresang operasyon, grayhound operation nationwide kasama ang mga k-9 unit.

Ito ay upang matiyak na masamsam kung may mga nailusot na mga kontrabando specially ang illegal drugs sa loob ng mga piitan at maging drug free ang lahat ng bilangguan sa buong bansa.

Facebook Comments