PDEA at DDB, bukas sa usapin ng medical marijuana!

Bukas ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa posibleng paggamit ng medical cannabis bilang lunas sa ilang karamdaman.

Ito ay inihayag ng dalawang ahensya sa gitna ng pagdinig ng Kamara sa 2023 budget ng mga ito.

Ayon kina PDEA Director-General Wilkins Villanueva at DDB Chairman Catalino Cuy, hindi pa nila isinasara ang usapin hinggil sa posibleng paggamit ng marijuana bilang gamot.


Dagdag pa ng dalawang opisyal, tututukan nila ang paghuli sa mga gagamit nito sa iligal na paraan.

Samantala, inaprubahan din sa committee level ang proposed 2023 budget ng PDEA na ₱3.1 billion at DDB na ₱447 million.

Facebook Comments