Manila, Philippines – Magtatatag ng isang technical working group ang Land Transportation and Franchising and Regulatory Board at Philippine Drug Enforcement Agency at ang mga Transport Network Vehicle Services na Uber at Grab, ito ay upang matiyak na ang mga driver ng mga public utility vehicle ay hindi magagamit bilang mga drug courier.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, isang mandatory drug testing ang ikinakasa para sa lahat ng mga drivers ng mga public utility vehicle.
Sa sandaling mapatunayan na positibo sa paggamit ng illegal na droga, imumungkahi ng LTFRB sa Land Transportation Office na ilagay sa black list ang mga ito.
Kapag mga driver partners naman ang mapatunayang magpositibo ay imumungkahi g ahensiya na na tanggalin sa system ng Uber at Grab.
Ang hakbang ay kasunod ng pagkakabisto ng pagdedeliver ng TNVS driver na si Jovet Atillano ng P1 million na halaga ng ecstasy at P180,000 na halaga ng shabu, Valium sa Mandaluyong City noong September 19.