Lumagda sa isang kasunduan ang Philippine Drug Enforcement Agency at ang Municipal Government ng Tanay, Rizal para sa pag-develop ng 10-hectare na Tanay-PDEA Forest Park.
Pinangunahan nina PDEA Director General Wilkins Villanueva at Mayor Rex Manuel Tanjuatco ang seremonya ng paglagda sa Tanay Municipal Hall.
Sa ilalim ng usufruct agreement, ipapagamit ng Tanay Local Government Unit ang sampung ektaryang propredad sa loob ng limampung taon at renewable sa kapareho ring haba ng panahon.
Ayon kay Villanueva, ang development ng forest ay kontribusyon ng PDEA sa National Greening Program ng gobyerno.
Ilang parte ng sampung ektaryang lupain ay pagtatayuan ng permanenteng PDEA Academy kung saan sasanayin ang mga bagong anti-narcotics agents.
Sa kasalukuyan ay nakahimpil ang PDEA Academy sa loob ng Camp General Mariano N. Castañeda, sa Barangay Tartaria, Silang, Cavite.