Manila, Philippines – Bukas ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lahat ng diskusyon at palitan ng inputs patungkol sa random drug test.
Kasunod naman ito ng reaksyon ng Department of Education (DepEd) na tumatangging maisama ang Grade 4 pataas sa isinusulong na random drug test.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, suhestiyon pa lamang naman ang naibukas ng ahensya at bahala na ang dangerous drugs board na maglatag ng panuntunan sa implementasyon ng naturang hakbangin.
Aniya, mas mag-iiwan ng stigma sa mga nasa elementary kung lahatan at hindi random ang gagawing drug test.
Ang panukala aniya ay isa lamang prevention at protection measures kasunod ng mga nasagip nilang mga bata na ginagamit sa pagtutulak ng illegal drugs.
Nabahala din sila sa sunod-sunod na pagkaaresto ng ilang mga guro sa Mindanao na sangkot sa bentahan ng droga.
Gusto rin ng PDEA na kung may guidelines na mabuo ang PDEA, isusulong nila na gawin din ito sa tertiary level at gawing mandatory sa mga estudyante ang pagpapasailalim sa drug test.