PDEA, bumuo ng barangay monitoring group para labanan ang iligal na droga

Bumuo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng working group na nakatutok sa monitoring ng nationwide implementation ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP).

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang BDCP Working Group for Monitoring and Validation (PB-WMV) ay binuo alinsunod sa marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng regular at periodic assessment ng programa sa paglilinis ng mga barangay mula sa iligal na droga.

Magiging katuwang nila sa drug clearing operations sa barangay level ang mga Local Government Units (LGUs).


Ang BDCP ay holistic at whole-of-nation approach sa pagtugon sa problema ng iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments