PDEA Chief Aaron Aquino, dapat tanggapin na bigo ang war on drugs

Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na dapat nang tanggapin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na bigo ang war on drugs.

Ito ang tugon ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez sa pahayag ni Aquino na naglulunsad lamang ang Bise Presidente ng political attack laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gutierrez, dapat sigurong basahin ng buo ni Aquino ang 40-pahinang report ni Robredo.


Dito aniya ay malilinawan si Aquino na kinikilala ni Robredo ang trabaho ng ICAD Agencies.

Ang report ni Robredo ay base rin sa mga datos mula sa ICAD.

Facebook Comments