PDEA chief Aaron Aquino – itinangging planted ang mga nakumpiskang shabu at mga baril sa bahay ni Maasim, Sarangani Mayor Aniceto Lopez

Manila, Philippines – Itinanggi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Aaron Aquino ang pahayag ni Maasim, Saranggani Province Mayor Aniceto Lopez Jr. na “planted” ang mga baril at iligal na droga na nakumpiska sa kanyang bahay.

Ayon kay Aquino, lehitimo ang ginawang raid at walang ginawang pagtatanim ng mga ebidensya at ang “green book” ni Mayor Lopez ng mga nakatransaksyon sa illegal drugs.

Patunay aniya dito ang pagsama ng ilang media at barangay officials sa ginawang raid.


Si Mayor Lopez ay nasa kustodiya na ng PDEA region 12 matapos sumuko kay Senator Manny Pacquiao ilang oras ang ginawang raid ng PDEA sa bahay.




Facebook Comments