PDEA Chief Wilkins Villanueva, tiniyak na magiging malawakan at professional ang kampanya kontra droga

Tiniyak ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins VIllanueva na ang operasyon sa ilalim ng kanyang pamumuno, lalo na ang pagbuwag sa mga sindikato ng droga ay magiging malawakan at professional.

Ayon kay Villanueva, ang ahensya ay tututukan ang pinagmumulan ng ilegal na droga kada rehiyon sa tulong ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Villanueva na palagi siyang transparent sa kaniyang trabaho at wala siyang bad record.


Opisyal nang magsisimula ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng PDEA sa Lunes.

Nakatakda siyang makipagpulong kay PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa para pag-usapan ang mga mangyayaring adjustments sa drug campaign at listahan ng mga suspected drug personalities sa bansa.

Una nang sinabi ni Villanueva na ang buhay ng mga agent ay poprotektahan sa illegal drug operations lalo na at kasalukuyang nasa health crisis ang bansa dahil sa COVID-19.

Ang PDEA agents ay sasailalim sa training alinsunod sa bagong protocols na ipapatupad ng ahensya.

Facebook Comments