PDEA Dir. Gen. Lapeña, itinangging may umiiral na Davao Death Squad

Manila, Philippines – Itinanggi ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isidro Lapeña na may umiiral na Davao Death Squad.

 

Ayon kay Lapeña, taliwas ito sa sinabi ni retired SPO3 Arthur Lascañas sa senado kamakailan.

 

Aniya, kahit na may nakikitang patay na may nakasulat na DDS sa Davao city noong siya pa ang hepe ng Davao-Police ay hindi naman napatunayan na Davao Death Squad nga ang nasa likod nito.

 

Isa pa aniya, sa media lang niya narinig ang Davao Death Squad.

 

Matatandaang idiniin ni Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte na noo’y alkalde ng Davao City na siyang nasa likod ng DDS kung saan binibigyan pa sila ng pera sa bawat mapapatay.

 

Pero ayon kay Lapeña, totoong nagbibigay ng pera noon si P-Duterte pero iyon ay bilang panggastos ng Davao City Police sa kanilang mga operasyon.



tags: luzon, manila, DZXL, DZXL558, RMN News Nationwide: "The Sound of the Nation., PDEA, Rody Duterte, DDS

Facebook Comments