PDEA, dismayado sa pagpapalaya sa Convicted Chinese Drug Lords sa Bilibid

Mariing tinututulan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagpapalaya sa mga Chinese Nationals na nakulong dahil sa ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, dismayado sila nang palayain nitong Hunyo ang apat na Convicted Chinese Drug Lords sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa sulat na ipinadala ni Aquino nitong Pebrero Board of Pardons and Parole, hiniling nila na harangin ang pagbibigay ng Executive Clemency sa ilang convicted drug lords.


Kinuwestyon din ni Aquino ang hindi paghingi ng Bureau of Corrections (BuCor) ng opinyon nila sa posibilidad na paglaya ng dalawa pang Convicted Chinese Drug Lords.

Suportado rin ng PDEA ang pag-review sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance Law.

Iginiit ng PDEA na hindi nila hahayaang makalusot ang mga ganitong desisyon upang mabahiran ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Facebook Comments