PDEA, hindi tutol sa panukalang batas sa paggamit ng medical marijuana

Manila, Philippines – Hindi tinututulan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang panukalang batas sa paggamit ng marijuana para sa medikal na lunas.

Ito ang tugon ng PDEA sa tila positibong pagtanggap sa Kamara ng House Bill no. 1800 o ang karapatan sa paggamit ng medical cannabis at ang pagpapalawig sa pananaliksik sa medicinal properties ng marijuana plant.

Paliwanag ni PDEA Director General Aaron Aquino, kinilala ng ahensiya ang pangangailangan ng pasyente na magkaroon ng access sa marijuana bilang panunlunas sa sakit na napatunayan ng mga pag-aaral na ito ay epektibo.


Kauganay nito, nabanggit din ni Aquino ang ilang rekomendasyon ng ahensiya na maaaring makatulong sa panukalang batas tulad ng malinaw na depenisyon sa mga terminolohiya at pagsasalegal sa paggamit lamang ng capsule o tablet para sa cannabis component.

Dagdag pa ng opisyal, dapat malinaw na nakasaad na ang anumang uri ng iligal na gawain gaya ng pagpapatubo, pagbebenta at distribusyon ng cannabis na hindi saklaw ng probisyon ay awtomatikong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments